276

By

Isko nag-offer ng P1M para sa 7 suspek sa MetroBank robbery

Binulabog nitong Huwebes ng umaga ang isang branch ng MetroBank sa Binondo, Manila na nilooban ng nasa pitong magnanakaw.

Ayon sa initial report, may nakuhang pera ang mga suspek ngunit hindi pa batid kung magkano sa nasabing bangko, na bandang alas-8:40 ng umaga nangyari.

Saad pa, kinuha ng mga magnanakaw ang suspek at nilagay sa isang kwarto bago isagawa ang pagkuha ng pera.

Kinagulat naman ni Manila Mayor Isko Moreno na alam ng mga suspek kung nasaan ang CCTV at kasama ito sa kinuha ng mga nanloob.

Nag-offer si Moreno ng P1M para sa mga magbibigay ng lead na makakasakote sa mga suspek.

“I hope itong mga kriminal na ito, tumigil na po kayo. Wag po kayo pumunta sa Maynila. We will pursue, hahanapin po namin kayo, hindi namin kayo bibigyan ng kapanatagan,” ayon kay Moreno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?