1,187

By

Isko, may rebelasyon sa kanyang love life

Sa kabila ng kanyang tagumpay sa buhay at bilang politiko, may inamin si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso tungkol sa pinagdaanan niya noon sa pag-aaral at buhay pag-ibig.

Siguradong mapapa-“sayang” na lang ang mga babaeng nagustuhan ni Moreno dahil hindi nila binigyan ng tsansa ang tinaguriang si Yorme.

Sa isa sa kanyang mga speech, inamin ni Moreno na wala siyang naging nobya noon.

“Wala talaga akong naging syota, maniwala kayo. Puro basted ako,” ani Mayor Isko.

Ayon pa sa alkalde, hindi raw kasi siya marunong manligaw dahil wala siyang pang-date.

Inamin din niya na pinapakopya niya ang kanyang crush noon.

Nagbigay naman ng payo ang alkalde para sa mga kabataan ngayon na madaling sumuko at dinadaan sa pagsu-suicide.

Payo nito, dapat na matuto ang mga ito na tumindig sa sarili dahil ang sarili lamang ang makakatulong sa kanila.

Kuwento pa ni Yorme, dalawa lang ang kanyang uniporme noon dala na rin ng kahirapan.

Pero sa kabila nito, nasa magandang section naman siya noon at napapasali sa mga honor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?