93
Isko, Lim, Erap bumoto sa Maynila
May 13, 2019 @ 14:04
By

Isko, Lim, Erap bumoto sa Maynila

Bumoto kahapon ng umaga sa magkakahiwalay na paaralan ang tatlong magkakatunggali sa pagka alkalde sa Maynila.

Nabatid na bumoto alas 7:30 ng umaga si dating Manila Vice Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa Manuel L. Quezon Elementary School sa may Perlas St.Tondo,Maynila.

Si dating Manila Mayor Alfredo Lim naman ay bumoto dakong alas 8 ng umaga sa may Rosauro Almario Elementary School sa may Kagitingan St. Tondo,Maynila.

Naging asiwa naman sa kanyang pagboto si Lim at lumipat ng upuan dahil nakatutok sa kanyang balota ang camera at nakikita ang kanyang mga iboboto.

Habang si Manila Joseph Estrada ay bumoto dakong alas 10:30 ng umaga sa P. Burgos Elementary School sa may Altura St. Tondo,Maynila.

Si Erap ay nakasuot ng “All white” at nang tanungin ng mga mamahayag kung bakit nakasuot siya ng puti,sinabi nito na nais niya na magkaroon ng isang malinis na halalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?