91

By

ISIS fighters napabagsak na sa Syria

Idineklara ng Syrian Democratic Forces (SDF) na nagapi na nila ang ISIS mula sa tinawag ng “caliphate” noong 2014.

Nagtaas ng dilaw na bandila ang SDF fighters sa Baghouz matapos pulbusin ang mga diehard jihadist.

Ang ibig sabihin ng kalipa o caliphate ay mga humahalili kay Muhammad o Mensahero ni Allah.

Sila ang namumuno sa mga banal na digmaan o Jihad.

Hindi nito maaaring baguhin ang mga paniwalang Islam pero hindi lahat ng Muslim ay sang-ayon dito dahil para sa kanila, salungat ito sa diwa ng Islam na ang ibig sabihin ay daan ng kapayapaan.

Ayon sa SDF, natalo nila ang ISIS at napalaya mula sa mga kamay ng terorista ang Baghouz sa eastern Syria.

Nangyari ang “final battle” sa Syrian town ng Baghouz.

Pinulbos ang ISIS ng sanib puwersa ng Kurdish at Arab soldiers katulong din ang mga US, British at French special forces.

Pahirapan umano ang pagpapabagsak sa terror group dahil sa mga sniper, improvised explosive devices at heat-seeking missiles.

Gumawa rin ang mga rebelde ng butas para sa underground tunnels at madali silang makalipat ng iba’t ibang bahay nang hindi nalalaman ng militar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?