80

By

Isang tagay pa sa Beer ni Austria

Laro sa Marso 17: (Cuneta Astrodome)

6:30 pm — SMB vs Ginebra

(SMB leads series, 3-1)

Happy ang birthday ni coach Leo Austria dahil lumalapit na ang kanyang San Miguel Beer sa finals ng PBA Philippine Cup.

Dinomina ng Beermen ang Ginebra, 102-81, sa Game 4 sa MOA Arena nitong Huwebes para itagay ang 3-1 lead, kapag nanalo bukas (Marso 17) sa Cuneta Astrodome ay babalik sa kampeonato para idepensa ang korona.

Pagpasok sa press room ay sinalubong pa si Austria ng kanta na ikinatawa ng coach na nagdiwang ng 60th birthday noong Marso 14.

“Siguro that’s the reason (birthday) we won this game,” sagot niya. “Magandang regalo ito sa akin.”

Sumisingasing na inumpisahan ng Beermen ang laro, natapos ang first quarter na nasa unahan, 32-22, bago inilayo, 58-41, sa break. Pagkatapos ng three ay naikahon na ng SMB ang ‘W’ sa 84-58 lead.

Sa sobrang enerhiya ng Beermen, hindi nakasabay ang bigs ng Ginebra at maagang napainan ng foul – four fouls sina Prince Caperal at Raymond Aguilar.

“Kasi nagdu-dwell sila sa kanilang three bigs, kung magka-foul trouble ‘yung isa du’n masisira rotation nila. And that’s what happened,” suma ni Austria.

Lahat ng starters ni Austria ay tumapos ng 12 points pataas sa pangunguna ng 23 ni Marcio Lassiter na may six assists pa, si Alex Cabagnot ay nagsumite ng 19 points at eight assists. May 12 points at 10 feeds si Matt Ganuelas-Rosser, 16 kay Arwind Santos at 14 kay June Mar Fajardo. May pinagsamang 22 rebounds sina Santos at Fajardo.

May 31 points si Japeth Aguilar at 20 kay LA Tenorio sa Kings.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?