46

By

ISAA officials, PH Blu Girls bibisita sa TOPS

Mga sport na basketball at softball ang sentro ng talakayan sa 39th ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

Panauhin ang mga opisyales ng Inter-Scholastic Athletic Association (ISAA), sa pangunguna ni President Ruel R. Dela Rosa ng Manila Tytana Colleges at Vice President Andres S. Cristobal ng La Consolacion College of Manila.

Tatalakayin nila ang opening ng 11th season ng torneo sa darating na Sept. 19 sa SM Mall of Asia Arena.

Makakasama nila sa 10am public service program sina Antonio S. Giron, secretary mula sa Manila Adventist College; Melanie P. Florentino, treasurer galing ng FEATI University; Benjamin Hernandez, Jr., auditor mula PATTS College of Aeronautics; at Jose Lorenzo B. Durian, PRO galing sa Treston International College.

Bibisita rin sa weekly forum ang Philippine Blu Girls, sa pangunguna nina coach Venerando Dizer, Ana Maria Santiago, Anthony Santos at Ronelon Pagkaliwagan.

Dadalo rin ang mga player na sina Cheska Altomonte, Angelie Ursabia, Arianne Vallestero, Chelsea Suitos at Sky Eleazar sa session na handog ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drink.

Iniimbithan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng officers at members na dumalo sa session na mapapanood sa Facebook via Glitter Livestream.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?