59

By ,

Irving sapul sa mata, baka igarahe ni Stevens

Uminda si Celtics guard Kyrie Irving ng scratched cornea kasabay ng pagkatalo ng kanyang tropa kontra San Antonio Spurs noong Lunes (Martes sa Maynila).

Nagbakbakan para sa rebound sina Irving at Spurs guard Marco Belinelli sa fourth canto nang aksidenteng matamaan ni Belinelli ang mata ni Irving.

Agarang inilabas sa playing court si Irving para tignan ang naging problema pero balik-aksyon ito matapos ang ilang minuto.

“I’m wearing sunglasses, so not good. I’ll be alright though. Belinelli smacked the s*** out of me. He just caught me pretty good,” sabi ni Irving sa media.

Hindi rin aniya alam ni Boston coach Brad Stevens kung makakapaglaro agad si Irving dahil sa injury na ininda nito.

“Kyrie has a scratched eye. So he’ll have antibiotics for that. I don’t know what that means beyond tonight,” wika nito.

Tumapos ng 16 na puntos at walong assists si Irving sa 120-111 na pagkatalo ng Celtics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?