33

By

Irving nabanas sa boo ng mga Celtics fan

Hindi napigilan ang mga Boston Celtics fan sa pagbanat kay Kyrie Irving kahit pa wala sa lineup ng Brooklyn Nets ang superstar guard.

Narinig sa buong TD Garden ang boo para kay Irving na ‘Kyrie sucks’ sa unang quarter pa lang ng laro.

Kasalukuyang may shoulder injury si Irving dahilan para mawala ito sa lineup at wala rin sa venue.

Sa Instagram ay nagpatama si Kyrie sa mga namba-bash sa kanya na matatandaang iniwanan ang Boston ngayong season.


Nag-aaverage si Irving ng 28.5 points, 7.2 assists at 5.4 rebounds sa 11 laro nito ngayong 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?