187

May 23, 2020 @ 17:44
By

IRR ng ‘doble plaka’ inilabas ng LTO

Inilabas na ng Land Transportation Office (LTO) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Doble Plaka Law sa mga motorsiklo.

Marso 8, 2019 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Motorcycle Crime Prevention Law”.

Sa ilalim nito, lahat ng uri ng motorsiklo ay inoobliga na magkaroon ng mas malaking plaka sa harap at likod.

Sinumang lalabag dito ay pagmumultahin ng hanggang P100,000 at pagkakakulong.

Batay sa ulat ng Top Gear Philippines, nakasaad sa Section 5 ng IRR na, “The LTO shall issue a set of bigger, readable, and color-coded number plate for every motorcycle, which shall consist of a.) a metal number plate to be installed at the rear of a motorcycle, and b.) a decal number plate to be displayed in its front. It shall bear a unique combination of alphanumeric characters using the following format: ABC123.”

“The front decal plate – made from a sticker-like material – will be 135mm wide and 85mm tall. For reference, it is about the same size as an iPhone 10 smartphone. The rear plate, which shall be made from a “suitable and durable aluminum substrate material, will be 235mm wide and 135mm tall or about the same size as an iPad.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?