24

By

Iran suspendido sa mga judo competition

Ipinagbawal sa international judo competitions ang Iran matapos tumanggi sa pakikipagtunggali kapag Israeli ang kalaban.

Nagpataw ng indefinite ban ang International Judo Federation sa Iran team hanggang sa bawiin nila ang kanilang pambo-boycott sa Israel.

Ang naturang ban ay tumatayong aral para sa Iran.

“Until the Iran Judo Federation gives strong guarantees and prove that they will respect the IJF Statutes and accept that their athletes fight against Israeli athletes,” ayon sa pahayag ng IJF.

Ayon sa commission ng liga, lumabag sa non-discrimination rule ang Iran at maituturing na isang manipulation sa competition results.

Nauna nang nangyari ito noong August 2018 World Championchips matapos mag-walk out si Saeid Mollaei nang utusan daw siyang mag-withdraw sa laro at huwag harapin ang isang Israeli.

Matapos ang insidenteng ito, agad naman inaksyunan ang batas na non-discrimination.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?