49
ipapamudmud ang lupa ng gobyerno
By

Ipamigay na! Duterte ipapamudmud ang lupa ng gobyerno

Sharing is caring!

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Agrarian Reform (DAR) secretary John Castriciones na ipamahagi ang lahat ng lupa ng gobyerno sa mga mahihirap na magsasaka sa bansa.

Ang direktiba ay ginawa ng Pangulo matapos pangunahan ang pamamahagi ng titulo ng lupa sa Buluan, Maguindanao.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na darating ang panahon na magkukulang ang pagkain dahil sa epekto ng climate change kaya ngayon pa lamang ay simulan na ang pagtatanim para matiyak ang supply ng pagkain.

Sinabi pa ng Presidente na maraming bakanteng lupa sa Cotabato at iba pang lugar sa Mindanao kayat dapat na ipamigay para maging progresibo ang Mindanao.

“Sabi ko kay Castriciones ibigay mo na lahat yan sa panahon ko. Lahat ng lupa ng gobyerno. Pati bukid ibigay mo na, ititulo mo para mataniman at maging progresibo ,” anang Pangulo.

Mahigit pitong daang benepisyaryo ang nakinabang sa ipinamigay na titulo ng lupa ng Pangulo sa Maguindanao.

Kasabay nito hinimok ni Pangulong Duterte ang mga moro na tanggapin ang Bangsamoro Organic Law para magtuloy- tuloy ang pagsulong ng Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?