832

By

Ion Perez seryoso sa nararamdaman kay Vice Ganda

Muli na namang pinakilig nina Vice Ganda at ng ‘It’s Showtime’ escort na si Ion Perez ang madlang people sa segment na ‘KapareWho’ ng naturang noon time show.

Sa naturang segment ay tinanong ni Vice si Ion at Jackque kung ano ang gagawin ng mga ito sa iba’t ibang sitwasyon.

Sinabi ni Ion na handa itong masaktan maging masaya lamang si Vice Ganda.

“Doon ko ipaparamdam sa taong mahal ko na sobrang importante siya sa akin,” dagdag pa nito.

Tinanong naman ito ni Vhong Navarro kung ano ang bagay na handa nitong isakripisyo para kay Vice Ganda.

Sagot ni Ion, “Isa-sacrifice ko ang lahat tulad ng masaktan man ako ng paulit-ulit para maging masaya ka.”

Nang tanungin naman ito ni Vice kung naglolokohan na lamang ba sila ay lalong kinilig ang mga fan sa isinagot ng escort.

“Never ako nakipagbiruan sa ‘yo… Sa ngiti lang ‘yun, pero ‘yung nararamdaman ko sa ‘yo, seryoso,” ani Ion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?