156
Ion nagkuwento tungkol sa babaeng nangwasak ng puso niya
May 30, 2019 @ 20:55
By

Ion nagkuwento tungkol sa babaeng nangwasak ng puso niya

Naging open si “It’s Showtime” mainstay Ion Perez sa pagkukuwento sa pinagdaanan niya noong lokohin siya ng girlfriend niya.

Sa interview sa kanya sa ABS-CBN Lifestyle, idinetalye niya kung paano niyang niligawan ang babae at kung paano siyang pinagpalit sa iba.

Hindi pa umano uso noon ang cellphones kaya idinaan niya sa love letters ang panunuyo sa ex-girlfriend niya maging ang paghahatid dito sa bahay.

Matapos umano ang apat na buwan ay sinagot siya nito.

Tumagal lang ng siyam na buwan ang relasyon nila dahil pinagpalit umano siya sa iba ng babae.

Una umano ay hindi siya naniniwala kahit pa sinasabi ng mga kabarkada niya na may iba na ang babae hanggang sa ipakita sa kanya ang mga larawan kung saan sobrang sweet ng kanyang girlfriend sa isang lalaki.

“May proof na talaga na may iba siya. Hindi niya pa alam na alam ko na may iba siya, tapos todo deny pa siya: ‘Hindi. Hindi naman. Kaibigan ko lang,’” kuwento ni Ion.

Mula noong grumadweyt sila ng high school ay hindi na sila nagkita ng babae dahil magkaiba na ang kolehiyo na kanilang pinasukan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?