48

By

Investment mula China, lumobo kay Duterte – DTI

Mula nang gumanda umano ang relasyon ng bansa sa China, 20 beses lumago ang pamumuhunan na pumasok sa Pilipinas, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

Sa panayam kay Lopez sa DZMM, sinabi niyang mula sa dating $50 million, umakyat sa $1 billion ang investment na nakuha ng bansa sa ilalim ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagbenepisyo aniya ang Pilipinas sa “mutual respect” nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Dagdag pa ng kalihim, kabilang sa larangan na naglagak ng pera ang China ay sa manufacturing, industrial parks, infrastructure funds para sa energy, power at dam projects.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?