15,742

By

Investment manager tahimik na inutas sa Las Piñas

Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang dalaga makataang barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki habang ang biktima ay pasakay ng kanyang sasakyan sa Las Piñas City.

Sa pamamagitan ng identification card (ID) nakilala ang biktima na si Corina Ibias, 33-anyos, dalaga, investment manager ng Sun Life Insurance at naninirahan sa Pamploma II Subdivision, Las Piñas City.

Si Ibias ay namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente makaraang magtamo ng isang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo nito.

Batay sa isinumiteng report ni Police Col. Segundo ‘Jun’ Lagundi, hepe ng Las Pinas City Police, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Daang Hari, Brgy Almanza 2, nang nasabing lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon, na ang biktima ay papasakay ng kanyang minamanehong sasakyan na kulay silver Honda City na may plakang AKA-5761 sa nakaparada sa may Daang Hari, Barangay Almanza 2, Las Piñas City nang lapitan at barilin ng hindi kilalang gunman.

Wala umano nakarinig ng putok sa lugar dahil nilagyan ng silencer ang ginamit na baril sa pagpatay sa biktima.

Sinabi ni Lagundi, kagagaling lamang umano ng biktima sa Tongyang Restaurant kasama nito ang kanyang nobyo (hindi na binanggit ang pangalan) at kumain ang mga ito.

Hinatid pa ang biktima ang kanyang kasintahan sa sasakyang nito at nang papasakay na ang biktima at nakaalis na ang nobyo saka sumulpot ang suspek at sabay na binaril sa ulo ang dalaga.

“Posibleng inabangan ang biktima ng hindi pa nakikilalang salarin at nang makalayo na ang kasintahan nito ay dito na binaril ang dalaga” ani ni Police Col. Lagundi.

Sinabi pa ni Lagundi na nasa loob na ng sasakyan ang biktima at hindi pa nito naisasara ang pintuan ng kanyang sasakyan nang sumulpot ang suspect.

Sa ngayon aniya patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang kanyang mga imbestigador at inaalam na rin kung may mga close circuit television (CCTV) camera kung nahagip ang insidente para sa pagkakilalan ng salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?