49

By

Inusisa ni Kris: Gabby Concepcion, game makatrabaho si Sharon

Matagal na raw game ang aktor na si Gabby Concepcion na makatambalan sa palabas ang dating asawang si Megastar Sharon Cuneta.

Hindi pa man tinatanong ng aktres, nahinuha na ni Gabby na tatanungin siya tungkol dito.

“Gawin na natin! Let’s shoot! When? First day [of 2020]?,” aniya.

Inamin ito ng aktor nang kapanayamin siya ni Kris Aquino na pinaskil ng huli sa kanyang Instagram (IG) account.

Saad ni Kris, “i missed interviewing! Part 1 TEASER! #kiligwins #shagab.”

Magbabalik-horror ang Queen of All Media kasama si Concepcion sa pelikulang “Kampon” na kasali sa 2019 Metro manila Film Festival.

Ayon kay Kris, mapapanood mamayang gabi ang buong panayam kay Concepcion sa Facebook at Youtube.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?