21

By

Int’l sports events workshop tagumpay nilunsad sa bansa

Tagumpay na nilunsad nitong Lunes ang 2019 APEC Workshop on International Sports Events and Local Economic Development ng Philippine Sports Commission, Sports Administration at Ministry of Education ng Republic of China, Taiwan sa Maynila.

Lumahok ang 15 representatives mula sa industriya, gobyerno at academia na mga galing sa 9 APEC economies na tum,alakay sa epekto ng international sports events on local economic development.

Pinangunahan ni PSC Commissioner Ramon Fernandez ang opening ceremony kung saan sinalubong niya ang mga delegado at binanggit ang importansya ng UNESCO-cited Children’s Games sa bansa na na nagpo-promote ng sports, tourism, community resource at ecosystem management.

Ayon kay SA Director-General Kao Chin-Hsung, naglulunsad rin ang APEC Sports Policy Network (ASPN) ng 2 international meetings at 3 EC Sports Newsletters kada taon.

“We would like to express our gratitude to the Philippine Sports Commission’s collaboration for this workshop. This project will truly enable the participants to obtain and share information on the policies and integrating sports events and tourism,” saad pa ni Director-General Kao.

Sa pagho-host ng bansa ng 30th Southeast Asian Games 2019, nakatulong din ito sa organizing committee at PSC, senior officials mula sa Japan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Vietnam at Taiwan na dumalo sa Sports Policy Dialogue session para lalo pang paghusayan ang mga paglulunsad ng sports events.

Pinamuan naman ni Head of Sportcal Events Krzysztof Kropielnicki ang keynote speech para sa assessment of sports events impact.

Kinahapunan, nagbahagi sina Dr. Huang Ching-Yao (Hank), Director of Center of Industry Accelerator and Patent Strategy (IAPS) ng National Chiao Tung University; Rene Meily, Presidente ng QBO Innovation Hub in the Philippines; at Joan Norton, Manager ng Ilab UQ Accelerator ng mga sports innovation experience sa Taiwan, Philippines at Australia.

Bukod rito, tinalakay rin ang lakas digital economy sa larangan sports innovation na may kaugnayan sa APEC’s 2019 slogan na “Connecting people, building the future,”

Sa unang pagkakataon sa ASPN meeting, may 3 innovation teams mula sa SPIN Accelerator Taiwan training program na REMA, Fuelstation Inc. at Velodash Inc., at innovation teams mula sa bansa ang nagprisinta ng mga resulta sa kanilang mga international sports innovation network.

Mula sa suporta galing sa APEC economies, naging matagumpay ang ginanap sa workshop.

Binisito nitong Miyerkoles ng ASPN members ang PSC, 2019 SEAG Organizing Committee at National Sports Training Center ng bansa.

Magkakaroon din ng friendly korfball match ang National Taipei University of Education at University of Santo Tomas sa PhilSports Complex, Pasig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?