79

By

Internet sa Algeria isinara para iwas kopyahan sa exams

Sa nakatakdang exam season simula Hunyo 20 hanggang 25, isasara kada oras ang internet sa Algeria para masiguro na hindi magkakaroon ng kahit anumang dayaan sa pagsusulit.

Ayon sa report ng BBC Africa, ito umano’y makaraan ang malawakang dayaan noong 2016 sa baccalaureate exams ng Algeria kung saan nag-leak sa online ang mga katanungan sa pagsusulit bago at habang isinasagawa ang exams.

Kabilang sa damay sa iba-block ay ang Facebook kung saan naglagay na rin umano ng CCTV cameras at cellphone jammers sa exam printing press.

Hindi rin pinapayagan na magdala ng cell phones, tablets at laptops sa loob ng may 2,000 exam centers ang hindi bababa sa 700,000 Algerian students na kukuha ng high school certificate examinations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?