24
Interbyu ni Toni sa ama nakakaiyak
By

Interbyu ni Toni sa ama nakakaiyak

Sharing is caring!

Maaaring para sa iba, lalo na sa mga millennial ay ‘taboo’ na ang ang paraan ng pagpapalaki ng mga magulang nina Toni at Alex Gonzaga na sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty, pero sa totoo lang, kung anong klaseng anak si Toni sa mga magulang ang isa sa magandang halimbawa, lalo na sa kabataan ngayon.

Nag-YouTube na rin si Toni katulad ng kanyang kapatid na si Alex. Pero kung si Alex, kadalasan o halos lahat ng entry nito ay nakakatawa, si Toni ang mas seryoso at talagang nakakapagbigay ng magandang inspirasyon.

Ang ikalawang YT niya na ibinahagi niya ang ikalawang Amanpulo trip nila ng Mister na si Direk Paul Soriano kunsaan, kasama na nila ang anak na si Seve (their first was their honeymoon, courtesy of their ninang Kris Aquino), ang daming pumuri kay Toni nang ikuwento niya “why it pays to wait.” Kung paano, naging obedient siya at maging si Direk Paul sa mga magulang niya.

At kung bakit din, nang maikasal na lang sila nagkaroon ng pagkakataon na mag-out-of-town o out-of-the-country na sila lang. Sa tuwing magpapaalam daw siya, sinasabihan daw siya ng ama na may pera siya, magagawa ang gusto pero kung gagawin nito, tapos na ang pagiging mag-ama nila at hindi na rin nito kakausapin si Paul.

Aliw ang vlog ni Toni, kahit na obvious na gusto nitong makapang-inspire, hindi hard sell, ang light pa rin. Ipinaliwanag din ni Toni kung bakit nasabi ng Daddy niya ‘yun, una raw, ibig lang sabihin na hindi na siya sumusunod sa mga magulang niya.

Halos 3 million ang views ng YT na ito ni Toni at kulang 2 million naman na sa latest vlog niya sa loob ng isang araw.

Ininterbyu ni Toni ang Daddy niya habang ipinagda-drive siya. ‘Yung mga tanong na ‘di raw niya maitanong dati na ngayon na lang niya nagagawang itanong dito.

Aliw rin si Mommy Pinty na sa backseat nakaupo, pero tahimik lang ito at hinayaan ang moment sa mag-ama niya.

Umani ng mga share sa social media ang You Tube ni Toni at mga papuri mula sa mga netizen.

May isang komento pa kaming nabasa sa entry niya na sobrang naapektuhan. Sey ng netizen, gusto raw nitong umiyak, gustong sumigaw dahil for almost 1 year na silang hindi nag-uusap ng daddy niya. Ayaw raw sana niyang panoorin.

‘Yung isa naman, “grabe pagdating kay Toni, may lesson ka talagang makukuha sa vlog niya!”

Dalawang linggo pa lang simula nang mag-You Tube si Toni at sa tatlong video upload niya, umabot na agad sa mahigit 600,000 ang subscribers niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?