726

By

Inside job? Moreno, pulisya nagtaka sa pagnanakaw sa MetroBank

Ikinabahala ng mga pulis maging si Manila Mayor Francis ‘Isko’ Moreno ang ilang mga detalye sa imbestigasyon sa panloloob sa MetroBank sa Sto. Cristo Branch sa Binondo, Huwebes ng umaga.

Ayon kay Isko, hindi siya naniniwala sa sinabi ng bank employee na bawal pa silang mag-imbestiga sa crime scene base umano sa rule ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

“No amount of rule, even BSP, cannot intervene in police operation or investigation… If you will not cooperate, especially we have doubts in our mind, kailangan ma-erase ang doubts ng policemen sa initial na impormasyon,” ayon kay Moreno.

Sinengundahan naman ito ng BSP Deputy Governor na si Chuchi Fonacier, sinabi na bangko ang bahala kung paano iimbestigahan ang nangyaring krimen, ang kailangan lang nila ay makuha ang report at resulta ng imbestigasyon.

Saad pa ni Manila City Police Chief Brigadier General Vicente Danao Jr, ipinagtataka nila ang pagbubukas ng security guard ng pinto para sa ilang kahina-hinalang lalaki, ang isa ay naka-helmet pa, bago pa ang opening hour ng bangko na alas-9 ng umaga.

Sa CCTV footage, makikita na 8:43 am ay nagpapasok na ang guwardiya sa bangko.

“Bakit nakapasok ‘yung dalawa before banking hours which is 9 a.m.? Nakita niyo naman na nakapaskil sa pintuan. ‘Yung dalawang suspect na nakapasok entered the premises around 8:43. Naka-helmet. Ang nakakapagtaka diyan bakit nakapasok sila nang before banking hours? Number 2, alam nila saan kukunin ang CCTV footage,” ayon kay Danao.

“Tell me, before banking hours, kumakatok at 8:43, bubuksan mo ang pintuan? Holdupper alam saan ang CCTV? Now you tell me, ano ba tayo, malisyoso? Kailangan lang natin pagdudahan… Humawak ‘yung suspect, may fingerprint. Eh hinawakan din nila ang fingerprint,” giit naman ni Moreno.

Nangako ang alkalde na sakaling malaman na may kasabwat ang mga suspek na empleyado ng bangko ay mananagot din ito sa batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?