94

By

Inoperahan man ang kamay, Thurman babalik pa rin sa ring sa 2020

Inamin ni Former welterweight champion Keith Thurman na sumailalim siya sa hand surgery para mapaghandaan ang susunod niyang boxing match.

Setyembre 4 nang operahan sa kaliwang kamay si “One Time” na nagsimula aniyang manakit sa pagsuntok nito sa heavy bag.

“The surgery was a bone fusion, so they fused some of my metacarpals,” paglalahad nito.

Ininda rin niya ito ngayong taon sa huling pakikipaglaban niya kay Senator Manny Pacquiao, maging kay Joselito Lopez.

“[The pain] was there all year,” saad ng American boxer. “It was there in the Joselito Lopez fight and it was there in the Pacquiao fight. But, as a world champion, I had to fight, and that’s what I did.”

Magugunitang nadungisan ang walang bahid na record ng undefeated sanang si Thurman nang talunin siya ng fighting senator via split decision sa laban nila noong Hulyo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

“Losing to Pacquiao is evidence you can’t be a one-handed champion. If you really want to be the best in the world, you have to be the best you can be to fight any type of world-class fighter,” sambit ng pa ng 30–anyos na boksingero.

Tiniyak naman nitong maaayos na uli ang kanyang kamao, dahil plano rin niyang bumalik sa ring sa 2020.

Gayunpaman, hindi aniya ito nangangako na siya pa rin ang dating matikas na Thurman.

“I can’t promise I would be the same Keith Thurman and I couldn’t promise a great comeback if I were to keep fighting in the condition I was in.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?