103

Feb 6, 2020 @ 17:32
By

Injury ni Fajardo, kapareho kina Hayward, George

Nakatatak na sa utak ng mga basketball fan ang nangyaring injury kina Gordon Hayward at Paul George na kitang nabali ang binti sa live television.

Matapos ang pagsusuri dito ng mga medical expert, nalaman na parehong fractured tibia ang sinapit ng dalawang NBA star.

At ito ngayon ang kaparehong injury na dinanas ni five-time PBA MVP June Mar Fajardo sa ensayo ng San Miguel noong Lunes .

Matatandaan na sa unang laro ni Hayward para sa Boston noong 2017-18 season ay natamo ni Hayward ang kanyang injury na may kasama pang dislocated ankle sa kanyang kaliwang paa.

Si George naman ay nagkaroon ng gruesome injury sa scrimmage ng Team USA para sa 2014 Fiba Basketball World Cup kung saan dumiretso ang binti nito sa stand ng basketball ring dahilan para mabali ito.

Buwan ang binilang bago makabalik si George, habang isang season naman ang pinalipas ni Hayward para muling makalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?