96
Init sa Dagupan City pumalo sa 51.7°C
By

Init sa Dagupan City pumalo sa 51.7°C

Umabot na sa delikadong antas ang heat index sa Dagupan City.

Nitong Abril 9 naitala sa 51.7 degrees Celsius dakong alas-dos ng hapon ang init factor sa nabanggit na siyudad.

Ayon sa PAGASA, ang “heat index” ay ang nararamdamang temperatura sa katawan ng isang tao.

Mas mataas umano ito ng dalawa hanggang tatlong degrees Celsius sa aktuwal na air temperature.

Sa pinakabagong heat index, nalagpasan nito ang nai-record na 48.2 degrees Celsius noong Abril 4.

Paliwanag ng PAGASA, kapag ang heat index umano ay nasa pagitan ng 32-41 degrees Celsius lahat ng residente ay dapat i-observe ang “extreme caution” dahil posible ang “heat cramps at heat exhaustion” pati na ang walang tigil na aktibidad ay posibleng magresulta sa heat stroke.

Samantala, ang 41-54 degrees Celsius naman umano ay delikado na maaaring magresulta ng heat stroke.

Posible namang lumobo ang kaso ng heat stroke kapag umabot na sa “extreme danger” na 54 degrees Celsius ang heat index.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?