34

May 22, 2020 @ 10:17
By

Iñigo sasamahan si Jo Koy sa Netflix show

Isa si singer-songwriter Iñigo Pascual sa mga kasamang magtatanghal ni Jo Koy sa bagong palabas nito sa Netflix.

Sa ulat din ng entertainment website Deadline Hollywood, kabilang pa sa mga bibida sa “In His Elements” sina breakdancer Ronnie, Grammy-winning producer !llmind, at mga komedyanteng sina Andrew Lopez, Joey Guila, at Andrew Orolfo.”

Sa June 12 na mapapanood ang bagong handog ng Filipino-American comedian., sa Netflix.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?