35

By

Inggit kay Iso Joe? Stoudemire asa pa rin sa NBA comeback

Huling naglaro sa NBA noon pang 2016 para sa Miami Heat, hanggang ngayon ay nag-aabang pa rin ng tawag ang dating star forward na si Amar’e Stoudemire sa ilang koponan.

Ayon sa 36-anyos sa kanyang panayam sa TMZ, sakaling may magkainteres sa kanya ay handa siyang muling sumalang sa international league.

“I’m still training and being patient,” ayon kay Ama’re, na nilaro ang kanyang pinakamagandang season sa Phoenix Suns. “If a phone call comes my way, I’ll be ready for it. If not, there’s no pressure.”

Matapos sa NBA ay napadpad sa Israel si Stoudemire at doon naglaro, taong 2018 ay bumalik sa Amerika para sa BIG3 league kung saan naglaro din si Joe Johnson na naging tulay sa comeback nito sa liga nang sikwatin ng Detroit Pistons.

Naitanong naman kay Stoudemire kung bakit sa tingin nito ay nakabalik si Johnson sa NBA gayong siya ay hindi pa nabibigyan ng tsansa.

“Joe played last year in the NBA. So, they’re pretty familiar with him. I was overseas in Israel for 3 years. So, kinda out of sight, out of mind. We’ll kind of see what happens.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?