1,091
Ingat sa pagpili ng kalaban! Marquez kabado para kay Pacquiao
By

Ingat sa pagpili ng kalaban! Marquez kabado para kay Pacquiao

Kahit pa dominanteng porma ang pinamalas ni Manny Pacquiao sa huling tatlong laban, hindi pa rin kumbinsido ang dati nitong karibal na si Juan Manuel Marquez na kaya nitong makipagsabayan sa ibang naglalakasang bagito.

Ayon kay Marquez, na dating pinabagsak si Pacquiao sa isa sa kanilang apat na laban, dapat ay maging maingat ang ‘Pambansang Kamao’ sa pagpili ng susunod na kalaban.

Ito’y kasunod ng split decision victory ni Pacquiao kontra kay Keith Thurman noong nakaraang buwan.

“I don’t know what’s gonna happen to Manny. But he needs to care and decide for his future,” ayon kay Marquez sa panayam sa FightHub.

Aniya, ang sunod-sunod na natatanggap na tama ay nakakaapekto sa kondisyon ni Pacquiao.

“He’s getting hit too much. He received a lot of punches in his last fight. Keith Thurman landed many punches with power.”

Saad pa ng Mehikano, dapat ay iwasan ni Pacquiao si Errol Spence dahil masyadong malayo ang kalingkingan ng batang boksingero sa 40-anyos na Pinoy legend.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?