64

By

Inflation rate bumaba sa 2.7% noong Hunyo

Matapos maitarak ang pinakamataas sa mga nagdaang taon, bumaba na sa 2.7-percent ang inflation rate noong Hunyo, ang pinakamababa sa nagdaang 22 buwan.

Nakaapekto rito ang ilang mga batas na naisatupad tulad ng libreng tuition sa mga state universities at colleges, pati na rin ang pagbaba din ng presyo ng bigas matapos ang krisis sa pangunahing commodity.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, bumaba sa 1.7-percent year-on-year drop ang presyo ng bigas, isa sa mga nakatulong umano ay ang pagkakapasa ng Rice Tariffication Law noong Marso.

Sa edukasyon ay bumaba rin sa 4.5 percent dahil sa libreng matrikula sa mga state Us.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?