73

By

Inday Sara sa puna ni De Lima: Inaatake niya rin sarili niya

Pinayuhan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang nakakulong na si Senadora Leila de Lima na manahimik na lamang sa kadahilanang bumalik din naman umano sa kanya ang pambabatikos na ipinupukol nito sa presidential daughter.

Sa isang panayam sa Isabela, Negros Occidental nitong Lunes, sinabi ni Mayor Sara na lalong lamang ginigisa ni De Lima ang kanyang sarili dahil sa mga hirit nito laban sa kanya.

Paliwanag ng alkalde, sa bawat puna ni De Lima sa kanya ay tila ba inaatake lang din ng senadora ang kanyang sarili.

“Ay ‘wag na siyang magsalita. ‘Wag na siyang magsalita kung ganun lang naman ang sasabihin niya na aatakihin lang din naman niya ‘yung sarili niya. If she’s attacking me, then she’s attacking herself,” giit ni Mayor Sara.

Una nang tinawag ni Duterte na matalinong-gunggong si De Lima nitong Lunes ng umaga dahil sa isyu ng pagiging tapat ng mga kandidato.

Ayon kay Mayor Sara, bumanat umano agad ang nakapiit na senadora nang hindi naman binabasa nang buo ang konteksto ng kanyang pahayag kamakailan sa Danao City, Cebu kung saan sinabi umano niya na hindi kailangang ungkatin ang isyu ng katapatan sa mga kumakandidato sa pagka-senador.

“Sinabi ko nga dun sa open letter na senador ka naman, kung gusto mong idagdag ‘yung honesty, ‘yung good moral character as requirement for people to run for public office then gawan niya ng batas,” paliwanag ng alkalde ng lungsod ng Davao.

Kaduda-duda din umano ang pagiging matapat ni De Lima dahil sa pagkakasangkot nito sa kalakaran ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons na naging dahilan ng kanyang pagkakaaresto at pagkakapiit ngayon.

“You are a senator—honesty about your involvement in the illegal drugs business under scrutiny by the courts—how about you make a law adding honesty as a requirement for all Filipinos before they can run for public office. Maybe then you can save the government from yourself, Inday Sara, Leni (Robredo), Digong (Duterte), (Salvador) Panelo, (Gary) Alejano, (Gary) Hilbay, and the all the de Limas of the universe,” hirit ng anak ng pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?