20

By

Inampon na raccoon nag-aastang aso

Kilalanin si Pumpkin ang raccoon na na-rescue ni Rosie Kemp sa Nassau, Bahamas.

Mahigit isang buwan pa lang si Pumpkin nang nahulog siya sa bakuran ni Kemp; mahina ito at bali ang isang binti.

Hinintay ni Kemp at ng kanyang anak na si Laura Young ang nanay ng raccoon ngunit hindi na ito dumating.

Mula doon nagpasya silang ampunin si Pumpkin.

“Raising her was (and still is) a full-time job,” sabi ni Young sa isang panayam sa The Dodo. “They are so unbelievably intelligent, very aware, and I would say they are even able to express emotions.”

Sa ngayon, naninirahan si Pumpkin kasama si Young at ang asawa niyang si William.

Mayroon din silang dalawang niligtas na aso.

Ginawan nila ng Instagram si Pumpkin kung saan ay mayroon siyang kamangha-manghang 1.2 million followers.

https://www.instagram.com/pumpkintheraccoon/

Mabilis naman nakasundo ni Pumpkin ang dalawang aso at palagi niya silang hinahabol kung saan man sila pumupunta.

“She now thinks she is a dog … she is able to play and be rough with them and she respects them when they have had enough,” sabi ni Young.

Pinaliwanag niya pa na hindi karaniwang alaga ang mga raccoon, “They are wild animals, so they are quite moody. Unlike dogs and cats, they are not domesticated. Like a spoilt child if she doesn’t get her way, she will let you know.”

Dahil hindi lumaki si Pumpkin sa labas, nakatuon ang kanyang pamilya upang matiyak na magkaroon siya ng lahat ng karaniwang kailangan niya, at tila masaya naman siya rito.

Sinabi ni Young na gusto ni Pumpkin ang air conditioning, at ang pagpiyesta sa mga pagkain katulad ng itlog at pakwan. Natuto rin siyang gumamit ng banyo.

“We are very lucky with her and always want and will do what is best for Pumpkin,” masayang sinabi ni Young. “But for now she is very happy with us and the dogs!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?