1,199

By

Inahas si James Reid? Issa Pressman sumagot

Bagama’t hindi na kailangang linisin ni Issa Pressman ang pangalan niya sa pagkakasangkot sa hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre, dahil nauna na ngang nilinaw ng dating magdyowa ang involvement niya, pero nitong Biyernes naglabas ng statement ang sister ni Yassi Pressman, at may kinalaman nga ‘yon sa isyu sa buhay niya ngayon.

Wala mang binanggit na pangalan, pero heto nga ang IG post ni Issa:

“If I stay silent, i’m ‘guilty’. If I stand up for myself, i’m ‘defensive’. The world judges either way,” unang chika niya.

“But to end it here & now, everything is 100% FALSE. #ThinkBeforeYouClick!” dugtong pa niya.

“Soooooooooo, let’s all move on!” say ulit niya.

Naaliw lang ang mga kaibigan niya dahil sa bandang dulo ng mensahe niya, tila nag-promote na siya, ha!

“What ya’ll doing this weekend? I’m starting my day brushing w @waveeworks have a fresh shave at @koopstudio & celebrate our first anniv of @whoismsgee, Cheers!”

Well, saludo at suportado ng mga kaibigan niya sa showbiz ang pahayag na ito ni Issa na linisin nang tuluyan ang kanyang pangalan.

Sabi nga ni Carlo Aquino: “Too many memas in the werld. Issa igotchufam.”

Well, madalas ngang mahusgahan din si Carlo ng mga netizen, kaya for sure, nakaka-relate talaga siya kay Issa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?