44

By

Inaabuso lang ng mayayaman: Party-list system, baguhin na – Drilon

Kailangan na umanong ireporma ang party-list system sa bansa dahil ginagamit lang umano ito ng mayayaman at makapangyarihan para makapasok sa Kongreso, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“I am all for genuine reform of the party-list system and our political party system in general. It is about time that we debate on this and come up with a meaningful and genuine reform,” sabi ni Drilon sa isang statement.

Una nang naghain ang Makabayan bloc sa Kamara ng party-list system bill na naglalayong gawin lang eksklusibo ang partido na kumakatawan sa marginalized sector o mga grupong hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa lipunan.

Sabi ni Drilon, ang kasalukuyang party-list sytem ay inaabuso diumano ng ilang mga kilalang political clan para mapalakas ang kanilang kapit sa kapangyarihan.

“Every election we would see millionaires, even billionaires, claiming to represent the poorest sector of the society. I don’t think that is the intent of the Constitution,” ani Drilon.

Si Drilon ang author ng Senate Bill No. 12 na naglalayong palakasin ang political system sa bansa.

“The bill also seeks to prevent political party switching and level the playing field among political parties,” ani Drilon.

“This 18th Congress should make a legacy. It must be remembered as the Congress that sets aside politics and personal interest, and successfully reforms the party list system and our political party system,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?