256

By

Ina ni Tony Labrusca, sumagot sa isyu ng seksuwalidad ng anak

Sharing is caring!

Muling sumagot ang nanay ng nasa hot seat ngayong si Tony Labrusca dahil naman sa kumakalat na may malapit umanong lalaki sa anak.

Sa Twitter ni Angel Jones (@missangeljones), pinabulaanan nito ang isyu na may ‘boyfriend’ daw ang kanyang anak ayon sa mga reaksyon sa social media.

Isang netizen ang nagsabi kay Angel na may nagpo-post ng mga picture kung saan ito raw ang bf ni Tony.

“May pinakalat pa silang mga pictures Tita. Tsaka may nagpost dn ng pics ug boyfriend daw kuno ni @tonythesharky Nakakaloka sila,” tanong ng netizen.

Tumugon naman ang ina, sinabi na walang katotohanan at sinisiraan lamang ang anak.

“That’s what happens when you’re at the top. They like to desperately tear you down. Sad but true,” ayon kay Jones.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?