210

Mar 20, 2020 @ 16:29
By

Imus, Bacoor sa Cavite ini-lockdown

Sinailalim sa lockdown ang Imus City at Bacoor City sa Cavite laban sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Epektibo ang lockdown sa Imus noong hatinggabi ng Marso 18 habang nagsimula sa Bacoor noong Marso 19.

Dahil sa lockdown, nakakalat na ang mga checkpoint sa city borders o points of entry at exit of vehicles sa naturang mga lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?