61

By

Imported na basura, i-total ban na – Drilon

Naghain si Senate Minority Leader Franklin Drilon ng isang panukala na naglalayong ipagbawal ang pagpasok sa bansa ng mga imported na basura.

“The recent news reports about wastes of other countries being imported to our shores prompted me to file Senate Bill No. 18 (Waste Importation Ban Act of 2019) which will ban the importation of waste into our country,” pahayag ni Drilon sa panayam.

“It is not good for us to be the recipient of waste. We’re not the wastebasket of the world,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng panukala, ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P15 milyon at pagkakakulong ng hanggang 12 taon.

“Yung hindi tumutupad sa batas under our proposal can be fined up to P15 million and imprisonment of 8 to 12 years. We believe that it is a reasonable penalty given the damage that we seek to prevent,” saad ni Drilon.

Nakasaad din doon na lahat ng imported na basura na papasok sa bansa ay dapat sa ‘country of origin’ na gagastusan ng importer nito.

Kung maisabatas, ang Department of Environment and Natural Resources at Bureau of Customs ang magpapatupad nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?