43
grace-Poe
By

Implementasyon ng 20% student fare discount, tutukan – Poe

Pinababantayan ni Senadora Grace Poe sa kaukulang ahensiya ng gobyerno ang tamang pagpapatupad ng bagong batas na nagbibigay ng 20 porsiyentong diskuwento sa pamasahe sa mga estudyante.

“We call on the concerned government agencies to properly implement the law and guarantee students their full benefits, while keenly seeing to it that commitments to the transport sector,” sabi ni Poe, chair ng Senate Committee on Public Services.

Sa ilalim ng batas, ang 20 porsiyentong diskuwento sa lahat ng estudyante para sa lahat ng uri ng transportasyon, karapatan nilang makuha ang discount sa panahon na sila ay naka-enrol.

Ang mandatory fare discount ay malaking kabawasan sa pamilyang Pilipino sa gitna ng malaki nilang gastos sa matrikula at iba pang gastusin sa pagpapaaral sa kanilang mga anak.

“Sa gitna ng kabi-kabilang bayarin ng pamilya, matrikula at iba pang gastusin sa eskwelahan, kaluwagan kahit paano ang magiging dala nitong diskuwento sa pamasahe para sa ating mga estudyante,” ani Poe.

“Sana ay makatulong din ito upang araw-araw silang makarating sa eskuwelahan nang may higit na determinasyong mag-aral,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?