48

By

Imbestigasyon sa pinaslang na Misamis Occidental town mayor ipauubaya sa PNP

Ipauubaya ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon sa pagpaslang sa Clarin, Misamis Occidental mayor na si David Navarro sa Philippine National Police (PNP).

Sa isang text message, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ipauubaya muna nila sa ngayon ang kaso sa PNP. Saka na lamang aniya papasok ang kanilang tanggapan kung kinakailangan.

“As usual, we’ll leave it to the PNP for now and we would step in through the NBI (National Bureau of Investigation) as may be needed,” ani Guevarra.

Batay sa mga ulat, tinambangan si Navarro sa ambush na isinagawa ng apat na hindi pa nakikilalang suspek habang ito ay patungo sa Cebu City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings kaugnay ng mga kasong slight physical injury at acts of lasciviousness.

Sa ngayon ay namumuro na si Vice Mayor Glorife Roa bilang bagong alkalde ng Clarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?