108

May 19, 2020 @ 15:24
By

Imbes na mainis: Kim Chiu gumawa ng ‘Bawal Lumabas’ full version

Walang makakatinag sa Kapamilya actress na si Kim Chiu.

Kung noong dati ay tumuloy pa sa taping ang Pinoy Big Brother alumna matapos ambushin ang sinasakyang van, ngayon naman ay sinakyan pa ang pangba-bash na ginawa sa kanya ng mga netizen dahil sa ‘bawal lumabas’ statement.

Matatandaan na nag-trending si Kim nang ihambing nito ang sitwasyon ng ABS-CBN sa batas ng classroom, na aminadong kahit siya ay hindi niya ma-gets.

Maraming humamak kay Kim, at nang biglang magkaroon ng remix ng kanta na gawa ni DJ Squammy ay mas nag-trending pa ang aktres.

Ngunit imbes na magmukmok ay kanyang dinugtungan ang kanta at nabuo ang full version ng ‘Bawal Lumabas’ song na uploaded na sa kanyang Youtube channel.

Nagpasalamat si Kim kay DJ Squammy, gayundin sa songwriter na si Adrian Crisanto na nag-post ng open letter para kay Kim para makabangon ito sa pamba-bash.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?