19

By

Imbes maniket: HPG namigay ng tsokolate, bulaklak

Pinara isa-isa ng mga miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) sa Central Visayas ang mga motorista pero hindi para tiketan o bigyan ng violation ticket kundi handugan ng mga tsokolate at bulaklak nitong Araw ng mga Puso.

Isinagawa ito sa kanilang regular checkpoint sa V. Rama Avenue, Barangay Calamba sa Cebu City nitong Pebrero 14, 2020 na tinawag na “Gugma sa HPGnalang sa mga Motorista”.

Ayon kay HPG-7 provincial officer Police Captain Michael Gingoyon, paraan nila ito para maipakita ang pagmamahal sa mga motorista at paalalahanan din ang mga ito sa rules at regulations sa ligtas na paglalakbay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?