59
Imbakan ng yosi sa Cagayan De Oro, sinalakay
By

Imbakan ng yosi sa Cagayan De Oro, sinalakay

Mahaharap sa multang P20,000 hanggang P50,000 at pagkakakulong na hindi bababa sa apat hanggang walong taon ang nagmamay-ari ng mga sinalakay na sigarilyong may pekeng tax stamp sa Cagayan De Oro.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), matapos ang halos ilang linggong surveillance ay nagpositibo na silang salakayin ang isang warehouse nang madiskubreng peke ang ginagamit na tax stamp na kung saan ay hindi umano nagbabayad ng legal at excise tax ang nagmamay-ari ng bodega na nagtatago ng mga panindang sigarilyo na posibleng makasuhan sa paglabag sa Internal Revenue Code.

Pansamantalang hindi muna pinangalanan ang nagmamay-ari ng mga nasabat na sigarilyo habang nagsasagawa pa ng inventory para matukoy ang halaga ng nakumpiskang sigarilyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?