273
Ilong ni Batista dinurog, nagretiro na sa WWE
By

Ilong ni Batista dinurog, nagretiro na sa WWE

Pormal nang inanunsiyo ng Fil-Greek na si Dave Bautista Jr. o mas kilala bilang Batista, ang kanyang pagreretiro sa larangang unang kinahiligan.

Sa Wrestlemania 35, muling sumalang sa ring si Batista, natupad ang hiling na muling makasagupa si Triple H sa isang grudge match.

Sa isang yugto ng salpukan ng dalawa, kumuha ng pliers si Triple H, habang nakahilata si Batista ay kumuha rin ng steel chair at inupuan sa ibabaw ng Filipino wrestler.

Matapos nito ay pinagdiskitahan ang ilong ni Batista, sinungkit ang hikaw sa ilong dahilan para mamilipit ito sa sakit.

Sa nasabing laban, natalo si Batista, ngunit napuno ng papuri ang actor na din dahil sa muling pagbabalik sa ring.

Ilang oras matapos ang laban, dito na sinabi ng Guardians of the Galaxy star na iyon na ang huli niyang salang bilang pro-wrestler.

“To all the @wwe fans across the world that gave me the opportunity to suspend your disbelief, thank you. From the biggest part of my heart thank you for letting me entertain you. Tonight was my story book ending and I wanted to leave you with all I had to give,” madamdaming sulat ng wrestler.

“I leave in great health, and without a doubt the show will go on. I had a hell of a run. Thank you for the journey,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?