92

By

Ilocos Norte niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Tinamaan ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Ilocos Norte ngayong Linggo.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), yumanig ang lindol dakong alas-5:21 ng hapon.

Naitala sa 22 kilometro silangan ng Nueva Era, Ilocos Norte ang sentro ng lindol.

Naramdaman umano ang Intensity III sa Laoag City habang Intensity II naman sa Vigan City, na kapwa sa Ilocos Norte.

Wala namang inaasahang aftershocks ang lindol na may lalim na 8 kilometro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?