60

By

Ilang tira na lang: Brownlee malapit nang maging hari ng tres ng mga PBA import!

Patuloy ang pag-arangkada ni Justin Brownlee para sa Ginebra, bukod sa tatlong kampeonato ay isa pang ‘tres’ ang maaaring pagharian ng resident import sa PBA.

Sa tweet ni chief PBA statistician Fidel Mangonon III, si Brownlee na ang ikalawang import na may most made threes sa liga, inungusan si Billy Ray Bates na dati ring naglaro para sa Ginebra.

“ Barangay Ginebra’s Justin Brownlee only went 1 of 5 from 3pt range in their W vs @BWEliteForce last Wed but it was enough to move him past the great Billy Ray Bates (297) for 2nd all-time in career 3-point FGs made in the PBA for imports,” saad sa tweet ni Mangonon.

Bukod pa dito, makapagbuslo na lang ng dalawa pa si Brownlee ay sama na ito bilang ikalawang import na nakakonekta ng 300 tres sa liga.

Kapag naka-28 naman ito sa mga susunod na laro ay kanya nang mauungusan si Lamont Strothers na may 325 bilang import na may pinakamaraming tres sa PBA.

“JB32 is thus 2 away from becoming only the 2nd import in PBA history w/ at least 300 3s made after @Strut42, who sank his 300th triple in an 82-81 loss to TNT on 2/28/2002 at the Makati Coliseum in the GovsCup elims, his 122nd PBA game. Brownlee is playing in his 121st tonight,” ayon pa kay Mangonon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?