101
Ilang politiko na nasa narco-list, nanalo sa halalan
By

Ilang politiko na nasa narco-list, nanalo sa halalan

Ilang narco-politician na kasama sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga sangkot sa iligal na droga ang nagwagi sa eleksyon.

Batay sa partial at unofficial data mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), nangunguna sa mayoralty race sa Lucena City, Quezon si Roderick “Dondon” Alcala sa botong 88,619 votes.

Si Alcala ay isa sa 46 politiko na pinangalanan ng Pangulo sa tinatawag na narco-list.

Samantala, nanalo rin bilang kongresista si Zambales 1st Dist. Rep. Jeff Khonghun sa botong 14,489 votes na kabilang din sa narco-list.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?