128

By

Ilang PDP-Laban solons planong lumipat sa partido ni Mayor Sara

Inihayag ni House Deputy Speaker Rolando Andaya na ilang kongresista mula sa ruling party na PDP-Laban ang kinokonsidera nang lumipat sa Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Ang HNP ay regional party na binuo ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay Deputy Speaker Rolando Andaya, ang planong ito ay kasunod ng matagumpay na pagluklok kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang Speaker.

Ipinaliwanag ng kongresista na ilang mambabatas ang dismayado dahil naisantabi sa posisyon ng PDP sa mga probinsiya sa ilalim ni dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Inirereklamo aniya ng mga ito na iyong latecomers sa ruling party ang siya pang naging provincial o regional leaders.

Sabi ni Andaya, dito rin nagsimulang umasim ang relasyon ng ilang kongresista kay Alvarez.

“A lot of members in the PDP-Laban eventually voted for [former] Speaker Alvarez. But nang lumaki na kasi ‘yung partido… nagkaroon ng disenfranchisement ‘yung mga congressmen dahil ang mga naging provincial leaders or regional leaders were those who were latecomers. Shall we say [some] congressmen felt that they were boxed out or kept in the dark. Doon pa lang nagkalamat na ‘yung relasyon eh,” paliwanag ni Andaya.

“Kami ‘yung sumuporta rightfully so kung meron mang sisisihin ‘yung congressman, siguro ‘yung feeling nilang binoto nila for Speaker na dapat [prinotektahan sila]. [There were] mass oath-takings all over the provinces at the same time you had mass disenchantment ng mga
congressmen that were left out or made to play second fiddle na lang dahil doon sa mga pinili nilang provincial chairmen. Doon nagsimula ‘yung pag-aasim ng relasyon [kay Alvarez],” ani Andaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?