200

By

Ilang PBA fan, napatutok ng Bb. Pilipinas dahil kay Standhardinger

Balik Big Dome ang isang San Miguel star hindi para maglaro, kundi para mag-judge sa Binibining Pilipinas 2019.

Napili bilang isa sa mga hurado si SMB player Christian Standhardinger sa beauty pageant, na in-enjoy ang moment bilang judge.

“Let’s choose the most amazing of them all! 🙂 #judge #Binibiningpilipinas #missuniverse,” ayon sa caption ng Fil-German sa Instagram.

Maraming PBA fan naman ang nahikayat manood ng beauty pageant dahil sa manlalaro.

“Hindi ko sana to papanoorin but since you are one of the judges I will watch na! Haha. Please choose our next queens SMB represent!” ayon kay iamedriliza.

“hindi sana ako manonood kaso nung nalaman ko isa ka sa mga judges so okaaaay HAHAHHAHAHA tutok na tutok ako sa tv ngayon HAHAHAH rooting for Cebu Here!” saad naman ni alientrbl1104.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?