51

May 23, 2020 @ 12:17
By

Ilang lugar sa Metro Manila, kulong pa rin sa Hunyo

Nilalatag na ng Metro Manila Council (MMC) kung saan ang mga lugar na posibleng manatili pa rin sa enhanced community quarantine matapos ang May 31.

Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, na chairperson ng Metro Manila Council (MMC), kanila nang pinagbabasehan ang mga area na nananatili pa rin ang pangamba ng COVID-19 para manatili sa lockdown.

Samantala, babantayan pa rin ang mga barangay na wala pang kaso ng COVID-19 para mapatupad ang mga health precaution.

“‘Yun pong ating mga problematic na mga barangay, dun po tayo magkakaroon ng concentration para ma-hold at ma-augment yung pagdami at pagkaroon ng new cases dun po sa particular na barangay na ‘yun,” saad ni Olivarez sa Teleradyo.

Inaasahan na sa May 31 ay matapos na ang modified ECQ sa Metro Manila, at ilan pang high-risk area tulad ng Cebu City at Laguna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?