83

By

Ilang kalsada sa QC, isasarado sa trapiko ng DPWH

Ilang kalsada sa Quezon City ang sasailalim sa reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) simula alas-11:00 ngayong gabi.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga maaapektuhang kalsada ay ang mga sumusunod:

· Southbound:

EDSA sa harap ng Francesca Tower hanggang Sct. Borromeo (3rd lane)

· Northbound:

EDSA Vertis North hanggang Trinoma Mall (2nd lane)

· Congressional Ave., bago ang cor. Jupiter St. (1st lane)

· Fairview Ave. mula Mindanao Ave. extn hanggang Jordan Plains Subdivision at Jordan Plains Subd. hanggang Mindanao Ave. extn (3rd lane)

· Batasan Road, Commonwealth Ave., hanggang Kalinisan St. (1st lane)

Bubuksan naman na ang mga nabanggit na linya ng alas-singko ng umaga sa Lunes, Hulyo 30.

Samantala, magsasagawa naman ang Manila Water ng pavement restoration sa C-5 Road (southbound) bago ang Lanuza Ave. intersection sa tapat ng Arcovia City simula alas-10:00 ngayong gabi hanggang alas-kuwatro ng umaga sa Hulyo 30 at alas-10:00 ng gabi sa Agosto 3 hanggang alas-kuwatro ng umaga sa Agosto 6.

Inabisuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar at humanap ng mga alternatibong ruta. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?