16
Ilagan tinalagang UAAP Basketball Commissioner
By

Ilagan tinalagang UAAP Basketball Commissioner

Itinalaga ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) si Jensen Ilagan, Technical Director ng regional ASEAN Basketball League, bilang commissioner para sa Season 82 basketball tournaments ng liga.

“I’m humbled to be the new UAAP Commissioner. I will do my best to uphold the league’s integrity through fair competition,” pahayag ni Ilagan.

Makakasama ni Ilagan si former Ateneo Blue Eagle at ex-Lyceum-Cavite High School Athletics Director LA Mumar na magsisilbing Tournament Director.

Bukod sa pagiging Technical Director sa ABL sa nakapalipas na apat ng taon, isa rin itong FIBA-certified table official.

“His experience working in the ABL made us decide to tap him as our commissioner,” saad ni UAAP President Emmanuel Fernandez. “His youth will bring more technological advancements to our league this season.”

“I commend the UAAP’s choice, spearheaded by this season’s host, as we continue to open our doors to candidates other than the traditional names in basketball,” dagdag naman ni UAAP Executive Director Rebo Saguisag. “But such a risk, if it may even be called such, is not without calculation.”

Isa sa mga pinaplano ni Ilagan ang pag-introduce ng ‘Video Review Initiative’ sa paparating na season.

Dito ay lahat ng miyembro ng officiating pool ay naka-mandato na i-review ang mga laro matapos ang bawat laban sa araw ng mga laro.

“If it’s a good game, it will be the standard. If it’s a bad game then it will serve as a lesson for the officials as well,” paliwanag ni Ilagan.

“He appears to be tech-savvy and is aligned with the UAAP’s vision of using data to hold officials accountable,” dagdag pa ni Saguisag.

Magsisimula ang ang basketball tourney ng UAAP sa darating na Setyembre 4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?