284

Apr 4, 2020 @ 20:24
By

Ilabas ang pulutan! Edu Manzao nagbiro sa alak na ‘relief goods’

Tila uhaw na sa alak si Edu Manzano sa kanyang post sa Twitter nang magbiro ito at tawagin ang mga kabarangay para lumabas at kunin ang kanilang mga relief goods na alak.

“Lumabas na kayong ka-barangay. Nandito na relief goods natin! Salamat Mayor!!! #tuloyangligaya #SMB #goodvibeslang Nasaan ang pulutan!,” sabi ni Edu sa kanyang post.


Natawa naman dito ang kanyang mga follower, na ang iba nagbiro din na ipa-deliver sa kanilang mga bahay.

“Pakidala naman po iyan sa tindahan ng nanay ko.. NOW NA kawawa kasi yung mga kapitbahay namin.. dyetang dyeta na mula nung nag liquor ban,” sabi pa ng isang netizen.

Ilang lungsod na nga ang nagpatupad ng liquor ban kasunod ng pinatutupad na enhance community quarantine sa buong Luzon. Kabilang dito ang Maynila, Mandaluyong, San Juan, Caloocan at Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?