106

By

‘Ikot Manila’ ilulunsad ng LRT-1

Isang bagong proyekto ang pinaplantsa ngayon para sa mga gustong mamasyal na hindi na kailangan pang alalahanin ang matinding trapiko.

Tinawag itong “Ikot Manila” ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na layong ipasyal ang mga lokal at banyagang turista sa pamamagitan ng LRT 1.

Sa pagtutulungan ng local tour operators gaya nina Carlos Celdran, na siyang responsable sa Intramuros tours; Ivan Man Dy ng Old Manila Walks, at Tralulu, na bihasa sa Binondo food tours, maaari nang mamasyal ang mga turista sa historical and cultural sites ng Metro Manila nang walang inaalalang trapik.

Mismong si Department of Tourism Sec. Berna Romulo Puyat ang sumubok sa pagsakay sa LRT-1 para pasyalan ang mga lugar gaya ng National Museum, Intramuros, ilang lumang simbahan at ilang kainan sa Binondo.

Sa Facebook post, sinabi ni LRMC Head of Corporate Communications Rochelle Gamboa, ang proyekto ay perpektong pakikipagsanib nila sa LRT 1 dahil ang turismo ay nakaugnay lagi sa transportasyon.

“Trains connect the most number of people to cultural, architectural and gastronomic capitals on the fastest land travel possible–giving tourists more time to experience the vibe and explore the uniqueness of the cities’ attractions,” ani Gamboa.

Simula Hulyo 27 ay maaaring pumili ang travelers ng “guided o unguided tours” sa siyudad sa pamamagitan ng train line na tatakbo mula Roosevelt hanggang Baclaran.

Puwede ring mamili ang mga turista mula sa main tour categories gaya ng Glorious Architecture, kung saan maaari mong pasyalan ang ilang lumang simbahan sa Maynila; Museum and Arts, na ililibot ka sa National Museum at iba pang galleries; Bargains and Bites na magdadala naman sa mga turista sa mga pamilihan at kainan sa Baclaran at Binondo; at Nature and Nurture, na para naman sa mga mahihilig sa parke at monumento.

Wala pang ibang detalye na inilalabas kaugnay nito, pero ayon kay Gamboa, kasalukuyan na nilang inaayos ang hinggil sa ruta at iba pang packages na isasama sa proyekto. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?